The first 100 days of President Rodrigo Duterte, his accomplishments and achievements drew cheers from his fan/supporters and sneers from his commentators.
Known anchor Anthony Taberna otherwise known as 'Ka Tunying' post on Facebook denying a viral photograph that circulated around the web about his support to Duterte against his tirades to US and Eu.
Taberna said that he voted and bolster Duterte, be that as it may, he said he won't protect the President when he imagines that his activities and words are wrong.
Read his full post below:
"Hindi ako magsasawang sabihin - isa lamang po ang facebook account ko ( profile photo ay kaming mag-asawa), isang fan page ( ang cover photo ay kaming mag-anak na may halos 500k likes ), isang instagram account ( iamtunying28 na may 140k followers) at isang twitter account ( @tunyings_kaindo). Sa Anumang account sa fb, ig o twitter na hindi tugma sa mga nabanggit ay wala po akong kinalaman, hindi sa akin at wag po sanang palaganapin dahil nilalagay po nito sa aking bibig ang mga salita at opinyon na hindi ko naman binigkas. Ang ehemplo po ay ang account na ito na ang larawan ay patungkol sa Davao City at may pangalang Anthony "Tunying" Taberna. Ginagamit po ito na pang-propaganda ng ilang supporters ni Pangulong Duterte. Hindi po ito sa akin. Hindi ko po ikahihiya na ibinoto ko si Presidente Duterte subalit kailanman ay hindi ako magiging apologist para sa kaniya. May mga programa at polisiya ang Pangulo na sang-ayon ako at madami Naman na siyang nagawa sa maikling panahon pa lamang subalit may mga sinasabi siya at ginagawa na hindi ako basta na lamang o-OO. Hindi po ako bulag na tagasunod ni Pangulong Duterte. Pinupuna at madalas ay binabatikos ko ang walang puknat niyang pagmumura dahil Pangulo na siya. Hindi siya barangay chairman at lalong Hindi siya sanggano. Hindi bagay sa kaniyang estado na mas madalas makipagbasag-ulo. Ako at ang iba pang bumoto kay Duterte ang higit na may karapatang pumuna sa kaniya, hindi ang mga DILAWAN, hindi ang mga dating opisyal na nawala na sa kapangyarihan, hindi ang mga mula't-mula pa ay suklam na sa kaniya dahil may manok silang iba. Talunan nga lamang. 🙏 Sana, alang-alang sa bansa, sa mamamayan at sa Tanggapan na kaniyang kinakatawan ( Office of the President) ay makinig ang Pangulo sa mga constructive na pagbatikos dahil kami na bumoto sa kaniya ang unang naghahangad na magtagumpay siya sa mabuting adhikain para sa bansa. Wag isipin na ang pumupuna ay kaaway. Kami ay tagapagpaalala. Ang kabiguan niya ay kabiguan ng mga umasa at patuloy na umaasa ng TUNAY NA PAGBABAGO."
Post a Comment